Photo Credits: Mr. Roi M. Francisco Last 2018, inendorse sa campus namin ang SHS in San Nicholas III. Nalaman ko yung mga platforms at strand na inooffer nila at nandoon yung gusto ko na ICT-CSS o Computer Systems Servicing kaya naman nahikayat ako na mag inquire dito. Gusto ko kasi talaga mahasa yung talent ko sa pag-aayos ng computer kaya CSS ang kinuha ko. Isang malaking thumbs up din sa akin na mayroon silang online-based pre-registration method. Sobrang napadali ang pag register ko sa school na to. Pagkapasok ko sa San Nicholas, iniisip ko na mahihirapan ako sa pag-adjust sa bagong school na papasukan ko kasi ibang tao na ang makakasalamuha ko. Pero di naman pala ako nahirapan sa pag-adjust. Mababait naman kasi ang mga estudyante ng school. Approachable din ang mga teachers at staff. Kung mahilig ka sa mga school activities, hindi ka mabibitin dito sa San Nicholas. Sobrang solid ng mga activities. Ang pinakainaabangan ng mga Nicholasian sa lahat ng activities ay ang Sports Fest. Hindi ito tipikal na intramurals na pang Junior High. Ang gaganda ng mga laro dito. Grabe yung hype na mararamdaman mo sa activity na ito. Sa usapang major subjects, naging maayos naman ang takbo ko. May konting challenge, pero kayang imanage. Da best ang mga lessons sa CSS lalo na’t kapag naranasan mo na mag hands-on exam. Matututunan mo kung paano i-handle ang time pressure at magawa ang specific task na binigay sa’yo sa takdang oras. Para makapasa ka sa CSS at makuha ang pinapangarap mong National Certificate II, dapat mong matutunan ang mga bagay na ito:
Ilan lang yan sa mga ginawa namin sa CSS. Noong una, mahina pa ako sa hardware troubleshooting. Kasi sa software talaga ako sanay. Doon kasi ako nakafocus noong Junior High pa ako. Pero sa tulong ng mga teachers ko sa CSS, classmates ko na kasabayan ko magpractice sa lab, at yung CSS script at manual, ay naintindihan ko rin yung buong process. Sa dalawang taon ko sa strand na ito, may dalawang araw lang ako na hindi talaga malilimutan. Ito yung sinabihan ako ng teacher ko na mag-assessment na daw ako kinabukasan. Di ko akalain na kinabukasan agad ako sasabak, kasi halos isang linggo dapat ang preparation noon. Pagkauwi ko sa bahay ay agad na nagpractice ako ng isang beses para maging sariwa sa utak ko ang proseso at natulog nang maaga para maging maayos ang takbo ng utak ko kinabukasan. Araw na ng assessment ko. Maaga ako gumising para makapaghanda. Nag almusal ako para hindi ako mablangko sa assessment. Hinanda ko na rin ang sarili kong mga gamit tulad ng screwdriver, wrist strap, crimping tool, at iba pa. Banayad naman ang nangyari, kaso nga lang may malala akong problema na naranasan. Hindi ko ma-install yung Operating System sa computer. Palyado na kasi yung hard drive ng computer na pinaggamitan ko gawa ng naluma na sa Assessment. Buti na lamang ay mahilig ako mag practice at may paunang kaalaman din ako sa software troubleshooting, kaya nakagawa ako ng alternatibong paraan para makainstall ng OS sa palyadong hard drive. Habang nag-iinstall ng OS, ay gumagawa na ako ng mga ethernet cable. Sunod ay nag-setup na din ako ng network. Kaso nga lang ay hindi kumokonekta yung Client at Server sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit, pero na ako nagsimulang mataranta. Umiksi na yung mga kable ko sa kakarepatch sa patch panel. Bungi bungi na kasi ang mga patch panel na napunta sa akin. Tumigil ako saglit, at huminga nang malalim para mahimasmasan ako. Naayos ko din yung connection ko at pinaspasan ko na yung mga natitirang gagawin. Natapos ko yung buong assessment ko sa loob ng isang oras, at markado na akong Competent sa CSS. Sa mga nagbabalak mag ICT-CSS sa San Nicholas, ito na ang hudyat para sa inyo. Harapin niyo na ang pangarap niyong maging isang TESDA-Certified Computer Technician. Maghanda ka na dahil mapupurga ka sa UTP Cables at RJ-45. Pero worth it naman ang lahat, dahil sa Graduation day, masarap marinig ang pangalan mo na may “Computer Systems Servicing - National Certificate II Holder” sa dulo habang umaakyat sa stage. Magagamit mo din ang titulong ito sa paghahanap mo ng trabaho. See you there, future Fighters! Written by: Jerome A. Domanico Edited by: Arthur Alexis S. Bugayong Joint Delivery Voucher Program for TVL-ICT Students
|
Archives
March 2021
Categories |